/* Misc ----------------------------------------------- */ .clear { clear:both; display:block; height:1px; margin:0; padding:0; font-size:1px; line-height:1px; }

Wednesday, January 25, 2006

torpe song
by zero

nakita kong muli
ang iyong matang nakangiti
hindi man sa akin nakatingin
hahalik na lamang sa hangin

nais ko lang makita ka
kahit sulyap ay ayos na

bukas na bukas din
ay aakyat ako ng ligaw sa iyo
bukas na bukas din ay aakyat ako ng ligaw sa iyo
dahil natatakot akong magunaw...
ang mundo

parang kang lugaw na bagong init
na nakakapaso sa labi
wag ka na lamang sanang titingin
upang di matunaw at mabitin... kaya

bukas na bukas din
ay aakyat ako ng ligaw sa iyo
bukas na bukas din ay aakyat ako ng ligaw sa iyo
dahil natatakot akong mawala...
ang isang tulad mo

0 Comments:

Post a Comment

<< Home